Si Ronald Allan Kelley Poe (20 Agosto 1939 – 14 Disyembre 2004), higit na kilala bilang Fernando Poe Jr., ay isang dating aktor, direktor, politiko sa Pilipinas na isang idolo at maraming nakakakilala. Kilala rin siya sa mga palayaw na FPJ o Da King. Ginagamit niya ang alyas na Ronwaldo Reyes sa mga pelikulang siya ang direktor.
Kabatirang pansarili
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ipinanganak si Fernando Poe Jr. noong 20 Agosto 1939 sa Maynila,[1]Pilipinas, kina Fernando Poe, Sr., isang ring dating aktor, at Elizabeth Gatbonton Kelley na taga Candaba, Pampanga na may Amerikanong magulang.[2] Ang orihinal na apelyido ng pamilya ay binaybay na Pou, mula sa kanyang mandudulang lolo na si Lorenzo Pou, isang Katalan mula sa Mallorca, na namuhay sa Pilipinas upang magnegosyo.
Pinakasalan niya ang aktres na si Susan Roces noong Disyembre 1968 sa isang seremonyang sibil. Ikinasal din sila sa simbahang Katoliko at sina Ferdinand Marcos at Imelda Marcos (na Pangulo at Unang Ginang ng Pilipinas noong mga panahon na iyon) ang mga naging ninong at ninang. Si Mary Grace lamang ang kanilang anak na ampon.
Bagaman, isang kilalang tao si Poe, hindi siya gaanong bukas sa kanyang pansariling buhay. Bagaman, noong Pebrero 2004, inamin ni Poe na mayroon siyang anak sa ibang babae. Si Ronian, o Ron Allan ay anak ni Poe kay Anna Marin na dating aktres. Nang kalaunan din, inihayag na mayroon din siyang anak sa dating modelo na si Rowena Moran na si Lovi, na naging artista na rin.
Karera sa pag-arte
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Una siyang gumanap bilang Palaris sa Anak ni Palaris sa ilalim ng Deegar Cinema Inc. noong 1955 noong siya ay 16 taong gulang. Hindi ganoon kabilis ay kanyang pagsikat at sumama siya sa ilang pelikulang hindi siya ang bida tulad ng Simaron ng Everlasting Pictures, Babaing Mandarambong ng Everlasting Pictures at ang kauna-unahang Lo-Waist Gang na pawang taong 1956.
Isa siyang produkto ng Premiere Production kung kaya't ginawa niya ang mga pelikulang Bicol Express, Pepeng Kaliwete, May Pasikat Ba sa Kano?, Atrebida, Laban sa Lahat at marami pang iba, samantalang ang mga pelikulang Kamay ni Cain, Tipin, Obra-Maestra naman ang ginawa niya sa People's Pictures.
Pagtakbo bilang pangulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tumakbo si poe kay christian dignadice bilang pangulo sa ilalim ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) sa halalang pambansa ng Pilipinas noong 2004. Katambal nya sa halalang ito bilang kandidatong pang pangalawang-pangulo si Senador Loren Legarda-Leviste. Natalo sya sa halalang ito. Mayroon lamang siyang 9,158,999 bilang na boto, samantalang mayroong 9,674,597 boto ang nanalo na si PangulongGloria Macapagal-Arroyo. Paniwala ng mga tagasuporta ni Poe, na kabilang na rin ang mga taga-suporta ni Joseph Estrada, na huwad ang resulta ng halalan at iprinotesta ito ni Poe sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Ngunit, pagkatapos ng kanyang kamatayan, ibinasura ito ng Korte. Muntik na siyang hindi nakapagkandidato dahil sa mga katanungan ukol sa kaniyang pagkamamamayang Pilipino.
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Na-stroke siya noong 10 Disyembre 2004 at dinala sa Ospital ng St. Luke. Noong hating gabi ng 14 Disyembre 2004, namatay si FPJ sa istrok, sa edad na 65 taong gulang. Inilibing siya sa katabi ang puntod ng tatay niyang si Fernando Poe Sr. at ng nanay niyang si Elizabeth Kelley sa Manila North Cemetery, Lungsod ng Maynila.
Pagiging Pambansang Alagad ng Sining
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Noong Mayo 2006, tinanghal ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining ng Pilipinas si Poe bilang Pambansang Alagad ng Sining (National Artist) para sa pelikula. Ngunit hindi ito tinanggap ng asawa ni Poe na si Susan Roces dahil daw magiging public display (pampubliko pagtatanghal) lamang ito sang-ayon kay Roces.[3]
Ang musika
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Album Ni Fernando Poe Jr.
1 Doon Lang
2 Kumusta Ka
3 Usahay
4 Ang Daigidig Ko'y Ikaw
5 Ang Tangi Kong Pag-Ibig
6 Sa Aking Pag-iisa
7 Damdamin
8 Ang Tao'y Marupok
9 Sa Aking Hiram Na Buhay (My Way)
10 Kapalaran
Mga pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]
1955 - Anak ni Palaris
1955 - Rosita Nobles
1956 - Simaron
1956 - Babaing Mandarambong
1956 - Lo' Waist Gang
1957 - Bakasyon Grande
1957 - Kamay ni Cain
1957 - Bicol Express
1957 - Los Lacuacheros
1957 - H-Line Gang
1957 - Yaya Maria
1957 - Student Canteen
1957 - Tipin
1958 - Lutong Makaw
1958 - Pepeng Kaliwete
1958 - May Pasikat ba sa Kano?
1958 - Obra-Maestra
1958 - Atrebida
1958 - Lo'Waist Gang at si Og sa Mindoro
1958 - Laban sa Lahat
1959 - Anak ng Bulkan
1960 - Markado
1961 - Baril sa Baril"
1961 - Sandata at Pangako
1961 - The Place: Pasong Diablo
1963 - Sigaw ng Digmaan"
1964 - Intramuros
1965 - The Ravagers sa US, Only the Brave Know Hell sa PHL, (Hanggang May Kalaban)
1967 - Mga Alabok sa Lupa"
1968 - To Susan with Love
1968 - Tatlong Hari"
1968 - Tanging Ikaw"
1968 - Sorrento"
1968 - Ang Pagbabalik ni Daniel Barrion
1968 - Ang Mangliligpit
1968 - Magpakailan Man"
1968 - Dos por Dos"
1968 - Ang Dayuhan
1968 - Baril at Rosario"
1968 - Barbaro Cristobal
1968 - Alyas 1 2 3
1969 - Perlas ng Silangan"
1970 - Santiago
1970 - Divina Gracia
1971 - Asedillo
1972 - Santo Domingo
1972 - Magiting at Pusakal"
1972 - Ang Alamat
1973 - Esteban
1974 - Batya't Palo-Palo"
1975 - Happy Days Are Here Again
1976 - Bato sa Buhangin"
1977 - Tutubing Kalabaw, Tutubing Karayom"
1977 - Totoy Bato
1977 - Bontoc
1977 - Little Christmas Tree
1977 - Tundo:Isla Puting Bato
1978 - It Happened One Night
1978 - Ang Lalaki, ang Alamat, at ang Baril"
1978 - Kumander Ulupong
1978 - Patayin si Mediavillo
1978 - King
1979 - Isa para sa Lahat, Lahat para sa Isa
1979 - At Muling Nagbaga ang Lupa
1979 - Mahal... Saan Ka Nanggaling Kagabi?
1979 - Durugin si Totoy Bato
1980 - Aguila
1980 - Mahal, Ginabi Ka na Naman?
1980 - Ang Lihim ng Guadalupe
1980 - Kalibre .45
1980 - Ang Panday
1981 - Ang Maestro
1981 - Bandido sa Sapang Bato
1981 - Sierra Madre (pelikula)
1981 - Pagbabalik ng Panday
1982 - Manedyer... Si Kumander
1982 - Daniel Bartolo ng Sapang Bato
1982 - Ang Panday: Ikatlong Yugto
1983 - Umpisahan Mo, Tatapusin Ko!
1983 - Roman Rapido
1983 - Isang Bala Ka Lang
1984 - Sigaw ng Katarungan!
1984 - Daang Hari
1984 - Ang Padrino
1984 - Ang Panday IV: Ika-Apat Na Aklat
1985 - Partida
1985 - Isa-isa Lang
1986 - Muslim .357
1986 - Batang Quiapo
1986 - Iyo ang Tondo, Kanya ang Cavite
1987 - Kapag Lumaban ang Api
1987 - Batas sa Aking Kamay
1987 - No Retreat... No Surrender... Si Kumander
1987 - Kapag Puno Na ang Salop
1988 - One Day, Isang Araw
1988 - Sheman: Mistress of the Universe
1988 - Gawa Na ang Bala Na Papatay sa Iyo
1989 - Agila ng Maynila
1989 - Wanted: Pamilya Banal
1989 - Ako ang Huhusga (Kapag Puno Na ang Salop Part II)
1990 - Kahit Konting Pagtingin
1990 - Hindi Ka Na Sisikatan ng Araw (Kapag Puno Na ang Salop Part III)
1990 - May Isang Tsuper ng Taxi
1991 - Mabuting Kaibigan... Kasamang Kaaway
1992 - Dito sa Pitong Gatang
1994 - Walang Matigas Na Tinapay sa Mainit Na Kape
1995 - Minsan Pa (Kahit Konting Pagtingin, part 2)
1995 - Kahit Butas ng Karayom
1996 - Ang Syota Kong Balikbayan
1996 - Isang Bala Ka Lang, part II
1996 - Ikaw ang Mahal Ko
1996 - Hagedorn
1997 - Ang Probinsyano
1997 - Eseng ng Tondo
1997 - Epimaco Velasco
1998 - Pagbabalik ng Probinsyano
1999 - Hindi pa Tapos ang Laban
1999 - Alyas Lakay
1999 - Isusumbong Kita sa Tatay Ko...
2000 - Ang Dalubhasa
2000 - Ayos Na ang Kasunod
2002 - Batas ng Lansangan
2002 - Ang Alamat ng Lawin
2003 - Pakners
Isang Dakota na Bigas
Tatak Barbaro
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
↑"Tecson vs Comelec". G.R. No. 161434. 3 Marso 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2014. Nakuha noong 15 Disyembre 2014.